ewan, haha. ang alam ko, hindi naman masamang
magselos. lalu na kung may feeling ka na gusto ka rin niya tapos
nahihiya lang siyang aminin ito, sayo.
tapos naman, napakaganda. bukas magkasama pa kami sa
NAT mock test. what a life. take note na first time ko siya makakasama sa isang classroom;
we were never classmates.
anyway, i made this post to let you know that i'm about to make a story/ novel or whtvr you call it. wala, i'm just inspired to write. filipino words siya. lol.
so, here's the prologue (chapter 1). thanks, and don't forget to rate and/ or comment.
===============
"Sana Naman"-- by Toni Sia
Introduction
Matagal ko na ring iniisip na mag-quit. Sa kaka-asa ko, na.. meron. Na kahit konti, meron. Pero everytime na iniisip ko yon, I end up loving him more. Ganuon ba talaga ang pagmamahal, lalung tumatagal, lalung bumibigat? Aba'y ewan ko, siguro nga, based sa mga nakikita ko sa tabi-tabi. Pero anyway, sana naman, magkaruon siya ng lakas na aminin sa akin, kung anong meron, di ba? Nang hindi naman ako magmukhang katawa-tawa dito.
[ 1. Bagong Simula ]
Blanko, yan ang nasa isip ko, kung itatanong mo. Ayoko munang mag-isip ng anu pa man, baka kasi hindi ko nanaman makayanan at maiyak nanaman ako. Dalawang oras na lang. Dalawang oras na lang at gigisingin na ako ni Yaya Brenda, maliligo na ako, mag-sisipilyo, maghahandang pumasok, at dalawang oras na lang at makikita ko na siya.
Ayoko siyang makita. Ayoko ng masaktan. Diyos ko, bakit naman kasi? 14 palang ako't inlab na. Sira-ulo naman o! Nakaka-bad trip kumbaga. Aba'y ewan ko, kahit na ba crush ko siya, ayoko siyang makita. Siguro dahil ayokong tignan niya ako ng pabalik with those curious eyes. Baka mahimatay na ako ng di-oras. Pero kailangan eh. Anu po ba to? Waaa. Ayoko ng mabuhay.
Nasa isang silid daw ako, yung confession room ni Big Utol. Nakapiring daw ako eh. Tapos biglang may pumasok, at kinabahan ako. Aba'y yinakap ako at hinalikan sa pisngi. E bastos pala to ah! Pero hindi ako makailag. "I love you, Bells," bulong ng isang pamilyar na boses. Hay naku, parang kilala ko to pero hindi ko ma-pimpoint kung sino. Gusto kong tanggalin ang piring ko, ngunit baka kapag ginawa ko yon ay biglang mawala ang lahat. Ngayon ay natandaan ko na ang taong nagmimay-ari ng tinig na iyon-- si Vince. Ang kanyang tinig ay sing-tamis at sing-lambot ng cotton candy. Grabe, hindi ako makagalaw. At narinig ko nalang na sumara ang pintuan ng silid. Hindi na ako makatiis kaya tinanggal ko na ang aking piring. At wala na siya. Ayoko pang gumising, pero kailangan e.
"Chi, gising na. Late na. Naku naman, pers day na pers day, masesermonan ka. Ng mama mo, ng teacher mo. Bahala ka," bulong ng isang pamilyar na boses. Isa ito sa mga boses na ayokong marinig, marahil ay dahil sa ito ay nakakairita. Basta, nakasisigurado akong si Yaya Brenda ang gumigising sa akin. Ngunit ayoko pang gumising.
"Oo. Sige na, ya. Susunod na ako."
"Naku. Bahala ka diyan."
"Anong oras na ba't parang natataranta ka dyan?"
"Ala-syiete na ho."
"Anoo? 7 na? Grabe a! Hindi ko namalayan."
"Papano naman, ang sarap yata ng panaginip mo." Totoo nga, napakasarap nga ng panaginip ko. Ngunit napakalungkot ko naman dahil, panaginip lang iyon.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Ang alam ko nalang, nasa school na ako. Wala namang nagbago, maliban sa bagong pintura ang eskuwelahan at may mga bago itong kagamitan. Lumagpas na ako sa laging tinatambayan ng barkada ni Vince. Ewan ko ngunit hindi ko magawang lumingon at tumingin sa barkada niya. Sana, lumipat nalang siya ng school. Pero imposibleng mangyari yon dahil isa siyang honor student, kaya kakailanganin ko pang magtiis ng isang buong school year ng lagi siyang nakikita.
===============
ano, what can you say? haha! pangit ba? pasensya, 13 year-old lang naman ako e. haha. well, sana matuloy ko. sana. i'll get an inspiration, soon. :) okay, bye. got to go and fix some things pa e.
Labels: love story, sana naman