<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4842907754974589590?origin\x3dhttp://tonisiaa.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
The tears that'll fall mean nothing at all to him so
it's time to get over yourself

Friday, February 19, 2010 10:15 PM
♥ Chapter 2: Pagtatambal
[ 2. Pagtatambal ]

Sa wakas, I'm now officially 3rd year high school. I can't wait to graduate. Gusto ko ng mapabilis ang lahat ng bagay, gusto ko ng magkolehiyo. Sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana, hindi na lang.

Naaalala ko pa, nung Grade 5 pa kami, mga October- November yon. Walang pakialaman, wala lang. Isa siya sa mga "idol" namin academically, dahil isa siya sa top students ng section niya. Grabe, naaalala ko pa na iba yung crush ko non-- si Carl. Mayaman, gwapo, yung tipong "bad boy" at attractive talaga. Ngunit lumipat na siya sa Grace Christian High School noong Grade 5 kami, kaya somewhat ay nag-fade na ang crush ko para sa kanya. So, nung mga times na yon nga, habang naglalakad kami ng ex-best friend ko na si Sheena, napansin ko nalang na tumitingin siya sa akin. Oo, si Vince. Kung nagtataka kayo kung ano ang itsura ni Vince, para sabihin ko sayo, ibang-iba siya kay Carl.

Kung titignan mo, para kang nakakita ng 10 year-old na bata. Hindi siya matangkad, at nerdy-type siyang tao. Kadiri, di ba? E kahit ako nga, hindi ko lubos-maisip na naging crush ko siya. Na crush ko pa rin siya hanggang ngayon.

Going back, nakaramdam ako ng isang sensation at may curiosity na dumating sa isip ko. Bakit ganoon siya kung makatingin? Ano bang meron sa mukha ko? Sobrang pangit ko ba? Ano bang problema niya at sa akin pa siya titingin ng matagal? At yon na nga, dahil lang sa isang matagal na tingin na hindi ko naman alam kung bakit niya nagawang tumingin sa akin ng ganon, nagsimula akong magkaroon ng interes sa kanya.

Panahon din iyon ng 2d Grading Long Exams namin. Nong nagsimula yung exam, ganuon parin. Tingin parin siya ng tingin sa akin. Naiirita na ako ngunit mayroon siyang charm na nagpapakilig sa akin. So ayun, nagtest kami. Pagkatapos kong magtest ng Math, reccess namin non. Habang hinihintay ko si Sheena, naisipan kong magtanong kung ano ba ang tamang sagot sa last number ng quiz. Natatandaan ko pa, 60 ang sagot ko. Hanap hanap ako ng mga matatalino sa amin, hanggang sa napilitan ako..

"Vince, yung answer ba sa last number, 60?" Tanong ko kay Vince. Eto nanaman ako, napakatanga talaga. bakit sa kanya pa? Andami namang mga genius diyan, ngunit bakit sa kanya pa? Shet naman.

Hindi siya sumagot ng "Oo." Kundi, tumango lamang siya. Nahihiya ba siya sa akin non? Ewan.


E ako naman itong si mababaw ang kaligayan, nang malaman ko na tama ang aking sagot, aba'y nagsitalon ako at nagsabi ng, "Yes!" sa harap mismo ni Vince. Nagulat yata siya. Sa kasayahan ko, hindi na ako nakapagpasalamat. Umalis nalang ako bigla. Habang lumalakad akong palayo, nakita ko siya, nakatingin parin sakin, with curiosity. Siguro baka sa isip niya, nasisiraan na ako ng ulo. Noong gabing yon, nang ma-realize ko na nagawa ko siyang kausapin, napangiti ako. At hindi ko rin alam kung bakit.

Ang nakakagulat pa, mayroon kasi kaming Culminating Activity na padating. Ang tema ng activity ay High School Musical, yung sikat na movie na pinagkakaguluhan noong mga araw na iyon sa school namin.

Kasali siya, kasali ako. Grabe. Bakit ba? Waaaa. Ako kasi, mahilig akong kumanta, simula pagkabata ko pa. E malay ko bang kasali rin yung mokong na iyon? Anyway, so edi nag-pair pair na kami at nag-meeting na kung sino yung kakanta ng mga number sa program.

Yung iba, solo. Yung iba naman, duet. May isa akong kaibigan, si Joanne. Napakagaling din nung kumanta. Nakapares niya si Vince. At ako, wala pang na-didistinang number para sa akin. Salamat at hindi ko siya parter, sa isip-isip ko. Kahit ang sarili ko ay hindi makapaniwala kung bakit ko ba bini-big deal ang stuff tungkol sa Vince na yan.

Napagdesisiyonan ko na: Oo na, crush ko na si Vince. Ewan ko kung bakit, pero sige na, crush ko na siya. Tamang-tama, nagtanong bigla si Joanne, "Ysa, sino na crush mo?"

"Ako? Wala."
"Weh. Sino, si Carl parin ba?"
"Hindi na. Tagal na yon eh."

Tumalikod ng saglit si Joanne at humarap sa silid, hinahanap kung sino yung kanina ko pang tiitignan.

"Si Vince ba?"

Hindi ako nakasabi ng, "Hindi." Instead, tumango nalang ako. Lagot.

"Yihee!! Ikaw ah, siya na pala ah! Kelan pa?"
"Ba-bago lang, hehe."
"Ah.." Nag-isip si Joanne ng sandali. At hindi ko inexpect na sinabi niya ang mga katagang ito sa guro namin na si Ms. Go, an siyang nag-oorganize ng program na iyon. "Ms. Go, solo number nalang po ako, pwede?"
"Sige, Joanne. Sino naman papalit sayo na magiging kapares ni Vince?" Tumingin-tingin si Ms. Go sa silid, naghahanap ng puwedeng ipares kay Vince. "Isabelle, may number ka na ba?" Nagulat ako.

"Wala pa po."
"Sige, then ikaw nalang ang magiging kapartner ni Vince. Alam mo na ba yung song niyo, Bop To The Top ah. Sige. Vince, Isabelle, practice tayo. Kevin, paabot nung lyrics."

Nagulat ako ng sobra. Para bang nag skip a beat yung puso ko. Totoo? Kaparter ko siya? Shet. Really.

Labels:

Her

Him

About

Tagboard?
NO tagboards, SORRY. As much as possible, I want this blog to stay clean, nice, and neat. Thank you. :))

Network
Starrymiss Stellarspell Wickedrush Pinkaloo Dollified Decoydrama Fruitloop Aerofizz Stardime Facebook Formspring Twitter Loveshockkk Dangerdrama Dollyhost

Archives
  • Selos Ba?
  • I Feel A Little Sorry
  • nothing, just a short post. i have nothing to do, ...
  • Credit
    Layout by Hapii pailin★