<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4842907754974589590?origin\x3dhttp://tonisiaa.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
The tears that'll fall mean nothing at all to him so
it's time to get over yourself

Saturday, February 20, 2010 3:56 AM
♥ 3. Muling Pagkikita
[ 3. Muling Pagkikita ] 

Partner ko na ba talaga siya? My heart was throbbing really fast then. Shettt naman, bakit naman kasi sumali-sali ka pa, Vince? Demonyo. Sa practice namin, hinawakan niya yung isang side ng papel, at ako, yung isang side. May dumi pa yung thumb niya, I can remember. Nakakatawa talaga. Pero cute siya and who cares? 

Habang kinakanta namin yung Bop To The Top, nanginginig talaga ako. Hindi ko siya matignan, at ganuon din siya sa akin. Bakit kaya? Does this mean na nahihiya siya? Pero imposible. Yan, magkakagusto sa akin? Impossible. 

Naku Ysa, nag-iilusyon ka nanaman. Naku naku, apat na taon na ang nakakalipas no! Move on ka na! Iyon ang gusto kong sabihin sa akin ng kunsiyensya ko, ngunit ito ang kanyang sinasabi. Gusto ka rin niya Ysa. Torpe lang yan. Maghintay ka nalang. Gusto ka nya. Hindi naman siya mag-aaksaya ng panahon sayo kung hindi ka niya gusto, hello?

Hindi ko namalayan na nasa classroom na pala ako at may tumapik sa balikat ko. Nagulat ako, at napasigaw. "Ahhh!"


"Velle! Mishu!"
"Dina naman o. Nagulat ako don ah. Tsaka pede ba, tama na yang Vince + Isabelle = Velle na loveteam nayan. Pero missed you! Musta na?"
"Haha! E pano naman kasi, halatadong nagde-day dreaming ka dyan eh! Kaya linoko na kita para pansinin mo ako."
"Ah, sus. Kala ko kung ano."
"Kamusta? Blooming ka! Shett ang ganda mo, nakakahiya naman na ang best friend mo, pangit."
"Naku naman Dins. Ang ganda mo nga eh! Pumayat ka pa! Grabe, sexy ah!"
"Ikaw din eh, laki nga ng pinayat mo no! Grabe di na kita nakilala ah. Lan pounds?"
"32 pounds. Haha! Ang laki noh? Grabe talaga yong feeling na nakakasuot ka na ng mga damit na gusto mo. E ikaw, ilan pounds?"
"18 lang eh. Nawalan kasi ako ng gana."
"Pero ang laki parin. Haha!"
"Haha! Inspired ka ba?"
"Ako? No. Why?"
"Blooming eh."
"Nge. Hindi ah. E ikaw, inspired much?"
"Actually.. Oo!"
"AHHHH!!! Gosh! Sino naman? Chika naman!"
"Si-si.. Matthew!"
"Matthew? Matthew Gainza ba? Yung varsity player?"
"Yes!!! Nung summer pa siya nagligaw kaso last week ko lang sinagot. My god, Velle, he's so sweet!"
"Congrats," pinipilit kong sabihin ng nakangiti. Talagang masaya ako para sa bestie ko, pero.. the thought na si Dina, may boyfriend na. Dati kasing "kinadidirian" si Dina. Sa school, siya yung tinaguriang "eww" or kadiri. Pero ngayong pumayat na siya, madami ng nagkakagusto sakanya. E sakin kaya? Wala naman akong pake kung may magkagusto sa kin eh, basta, si Vince lang at masaya na ako.

Hindi ko namalayang nagsasalita na pala si Dina.
"Tapos kahapon lang nagkita kami sa RP then kumain kami sa DQ.. Grabe talaga! Then he gave me a bunch of roses.. How sweet! Tapos nung gabi nung day.. Huuuyy! Nakikinig ka ba? Hmpf!" Nakita ko na medyo naiirita na si Dina sa pagka-passive ko.

"Uhm, oo naman. That's so sweet of him. Ang thoughtful.."
"Oo nga eh, sinabi mo pa! O tapos nung gabi.. Hinatid niya ako sa bahay.." Hindi ko na alam kung paano sasabihin kay Dina na ayoko munang makarinig ng love stories. Mga love stories kasi para sa akin ngayon, childish na. Ayoko ng makinig. Hindi ko rin naman iyon magagamit, whatever it is, kasi wala din namang mangyayari samin ni Vince eh.
"Uhm, Dins? Bear with me, I need to go to the washroom."
"Oh, okay. Sige, balik ka nalang, bilis, marami pa akong ikukwento."
"Uhm.. Favor, Dins?"
"Yea. What is it?" Hindi ko alam kung papaano sasabihin kay Dina. Na tama na muna, na sa iba nalang niya ikuwento yung mga romance na nagyaari between her & Matt.
"Uhm, nothing.. Sige, washroom muna ako."

Kailangan ko munang mag-out. Ayoko na muna. Dapat pala, nag-absent nalang ako. Tutal first day naman, and there's nothing to worry about naman kasi I can cope naman. Pero huli na ang lahat. Di bale, iiyak ako sa cr. Pagdating ko doon, mailalabas ko na kung ano man tong itinatago ng puso ko. Ngunit imbis na mapadali ang pagpunta ko doon, may nakabangga akong isang lalaki.
Talaga naman o, isang ito sa mga eksenang hindi ko inaasahan.

"Ay, sorry po. Uhm.. Nagmamadali po kasi ako e. Sor--" Hindi ko matuloy ang aking sinasabi. Talaga bang ganito? Anak ng pucha naman o.
"Ah ok lang, sorry din. Si--" Maging si Vince ay napatigil sa aming hindi inaasahang pagkikita.
"Vince, ikaw pala." Hindi ako makatingin sa kanya, at ganon din siya sa akin. 
"Sorry talaga. Sige, mauna na ako."

End of conversation. Hindi man lang niya nagawang lumingon. Bastos. Walang modo. Pero mahal ko parin. 

Sa wakas, nakapunta na rin ako sa cr. Linock ko yung door ng cr at nagsimula na akong humagulgol. Hindi dahil sa nangyari kanina, dapat ko muna iyong iset-aside. Umiyak ako dahil sa mga bagay-bagay. Siguro, gusto ko lang ilabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos kong umiyak, naghilamos ako, naglagay ng face powder, and rushed in to my classroom.

"Ang tagal mo, Ve-"
"Please, Dins. I'm not feeling well. Eto yung favor ko, kung pwede lang sana, tama na ang Velle Velle na yan."
"But, dati naman okay lang sayo ah."
"Dati yon eh. Pero nagmature na tayo, di ba?"
"Right. Sorry, Ve- I mean, Ysa. Di talaga ako sanay, sorry."
"O-okay lang," sagot ko. Maging ako rin ay hindi sanay na hindi tinatawag na Velle. Nakasanayan ko na yon eh.

Labels:

Her

Him

About

Tagboard?
NO tagboards, SORRY. As much as possible, I want this blog to stay clean, nice, and neat. Thank you. :))

Network
Starrymiss Stellarspell Wickedrush Pinkaloo Dollified Decoydrama Fruitloop Aerofizz Stardime Facebook Formspring Twitter Loveshockkk Dangerdrama Dollyhost

Archives
  • Chapter 2: Pagtatambal
  • Selos Ba?
  • I Feel A Little Sorry
  • nothing, just a short post. i have nothing to do, ...
  • Credit
    Layout by Hapii pailin★