[5. Sana Totoo ]Lumipas na ang mga araw. Ang bilis ng oras.
Pwede ba, slow down muna? Dahan dahan lang, hindi ako makasabay eh. Hindi ko muna masyadong binigyan ng pansin si Vince at ang mga kilos niya. Mas nakapag-focus ako sa mas importanteng mga bagay. Mas naging active ako, physically man o emotionally. Ngunit kung para sa iba ay okay na ako, para sakin, hindi. Hinding-hindi ako okay.
Tanghali ng biglang magyaya ang isa sa aking kaibigan na maglakwatsa.
"Ysa, sama ka samin, sa SM lang."
"Ano namang gagawin natin, Nicole?" Si Nicole ang isa sa pinakamabait at makulit kong kaibigan.
"Wala, lakad lakad, nood sine. May bago ngayon ah. Eclipse. Nood tayo."
"Di ko pa natatapos yung book eh." Para kasi sa akin, bago ako manood ng sine, dapat mabasa ko muna yung libro (kung meron man) para ma-compare ko silang dalawa.
"KJ naman o. Pretty please?"
"Di nga, seryoso. Nakagawian ko na kasi yung basa muna bago nood na attitude. Sorry!" Sa loob loob ko, romance nanaman.
Can anybody please kill me now? I hate romance. For now. Hindi lang naman dahil sa di ko pa nabasa yung book. Kumbaga.. Pass muna ako sa mga loving loving na yan.
"Sige, sa RP nalang. Starbucks tayo tapos window shopping. Please! Sama ka na."
"Hmm. Sure ka yon lang?"
"Oo. Ano pa ba?"
"Bili narin tayo ng scrapbook materials."
"Bakit naman?"
"Gawa tayo mg memorabilia."
"Huh?"
"E kasi, katamad naman kung wala tayong magagawa sa Starbucks di ba? E di mag-art tayo."
"Pictures?"
"Dalhin mo camera at usb mo. May pictures tayo doon e. Pa-develop natin sa Picture City."
"Sige sige. Anong oras?"
"Teka, text ko mama ko."
Pagkalipas ng isang minuto..
"Set na. 4-30P.M., after chinese classes. Kotse ko o mo?"
"Kotse ko nalang. Kahiya e, ako nagyaya."
"Sus. Sige. Apat tayo no?"
"Lima yata. Ako, ikaw, Dina, Irish, tsaka si Dianne."
"Okay." Hindi naman sigurong mali ang mag-hang out with my friends, di ba? Besides, 14 na rin naman ako. I need some break. Minsan ayaw pa ni papa pumayag na lumabas labas ako e, nakakairita na nga. Over protective. Kaya gusto ko siyang sagutin minsan at iremind sa kanya na matanda na ako. Kaso, hindi ako ganon. Masunurin akong tao.
Pagpasok ko sa klase, agad akong tumakbo papunta sa upuan ko at natulog. I need some sleep. Naging computer addict na akong masyado kaya minsan, 1pm na ako nakakatulog. At alam kong masama iyon.
Naglalakad ako sa corridor. Ako lang daw magisa. Hinahanap ko sila Dina. Kailangan naming mag-usap. Nagbreak daw kasi sila ni Matthew.
Nakakatakot palang magisa dito sa corridor na to. Ang dilim pa. Kinikilabutan ako dito e."Bells?"
Sino yon? Sino yung tumawag sa pangalan ko? Ang lamig ng boses. Pero nakakatakot. Ayokong lumingon. Baka multo or something. Nagpatuloy siyang tawagin ang pangalan ko.
"Bells, pwede ba kitang makausap, kahit sandali?"
"Si-sino ka?"
"Lumingon ka kasi e. Di naman ako multo." Oo nga pala, ang tanga tanga ko pala. Wala naman akong third eye e. Tsaka sa tono ng boses nitong lalaking to, mukha namang di siya multo. Ang ganda nga ng boses e. Pang international.
Lumingon ako. Si Vince pala iyon.
"Vince? Ikaw pala. Tinakot mo ako a," mahina kong sinabi sa kanya. Hindi ako masyadong nagpahalata na nagulat ako.
"Sorry, Bells. Di ko naman alam na takot ka sa multo. Kung ganon pala, e di dapat di ko nalang pinapatay yung ilaw kanina kay Mang Nonits," natatawang sabi ni Vince. Si Mang Nonits yung janitor namin sa school. Siya yung namamahala sa mga corridors namin.
"Ano? Bakit? So ikaw pala ang may pakana nito. Teka Vince, nagmamadali kasi ako. Kailangan ko munang kausapin si Dina. Ang laki ng problema nun."
"No need. Di naman talaga sila nag break ni Matthew eh; they're perfectly fine."
"So modus mo rin yon? Aba, pati bestfriend ko nagawa mong pakiusapan a. Galing mo. Teka, bakit ba? Anong meron? Nu nakain mo?"
"Ayaw mo?"
"Wala akong sinabi a. Tsaka, di ako sanay. Alam ko naman na ang pinagkakaabalahan mo lang is yung.. Books mo, water bottle mo, grades mo. Yun lang."
"Ang sakit mo namang magsalita."
"Sensya. Di ako sanay sayo e. Tsaka, close ba tayo? Natatawa talaga ako."
"May sasabihin kasi ako sayo, Bells."
"Nu naman?"
"Di ko alam kung maniniwala ka, pero dati pa kasi ako--"
Bigla nalang akong ginising ni Ms. Dela Cruz.
"Miss Isabelle Reyes, can you continue the part where I ended?"
"Uh-umm.. Ma'am, I'm very sorry because--"
"Because, because. Excuses. What time did you sleep yesterday?"
"At around 12 midnight, ma'am. Sorry po, I know that it's my fault to sleep in--"
"Okay, Miss Reyes. I'll forgive you this time. Once I catch you again, you're going straight to Mr. Yu," pasigaw na sinabi sakin ni Ms. Dela Cruz. Si Ms. Dela Cruz ang pinaka-strict na teacher na nakilala ko. Infact, siya rin ang pinakawalang kuwenta. Worst teacher ko na yata yan.
"Yes, Ma'am."
"Sit down, Ms. Reyes."
"Thank you, Ma'am." Umupo ako ng dahan-dahan sa silya ko.
Panaginip nanaman yung kanina. Hayy.. Sana totoo nalang.Labels: sana naman